Mata, Ilong, Tenga

    Itaas na Talukap (Upper Blepharoplasty)
    Ang operasyon ng talukap ng mata ay paraan upang matanggal ang labis na taba na nagdudulot ng dobleng tupi para sa mga Asyanong talukap. Ang doktor ay hihiwa sa guhit sa taas ng talukap. Ang pasyente ay maaaring umuwi na pagkatapos ng operasyon (out patient). Ang nars ay magbibigay ng malamig na panlunas upang mabawasan ang pamamaga at pilat.
    Pagkatapos ng operasyon, ang iyong mata ay papahiran ng gamot at ang iyong talukap ay makakaramdam ng paninikip at pamamaga. Ang tahi ay maaaring alisin sa loob ng tatlo hanggang pitong araw. Sa ika-pito hanggang sampung araw pagkatapos ng operasyon ay maaari ka nang bumalik sa iyong trabaho, ang pilat ay maaalis sa pamamagitan ng kosmetikong pangkubli. (concealers)

    Ibabang Talukap (Lower Blepharoplasty)( Eyebag)
    Ang operasyon ng talukap ng mata ay isang paraan upang matanggal ang labis na taba at balat sa ibabang bahagi ng mata. Ang doktor ay hihiwa sa iginuhit na marka sa ibaba ng pilik mata at ito ay nakabatay sa dami ng balat at taba na kailangang alisin. Ang pasyente ay maaari nang umuwi pagkatapos ng operasyon.(out patient). Ang nars ay magbibigay ng malamig na panlunas upang mabawasan ang pamamaga at pilat.
    Pagkatapos ng operasyon, ang iyong mata ay papahiran ng gamot. Ang iyong talukap ay makakaramdam ng paninikip at pamamaga. Ang tahi ay maaaring alisin sa loob ng tatlo hanggang pitong araw. Sa ika-pito hanggang sampung araw pagkatapos ng operasyon ay maaari ka nang bumalik sa iyong trabaho, ang pilat ay maaalis sa pamamagitan ng kosmetikong pangkubli. (concealers)

    Operasyon sa Dobleng Talukap (Double Eyelid Surgery)
    Karamihan sa mga Oryental at ilang Kaukeysians ay isinilang na walang itaas na talukap o mababaw ang talukap. Ang operasyon sa talukap ang makakatulong upang magkaroon ng magandang talukap sa mata na kilalang- kilala sa mga Asyano.
    Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa na may wastong laki sa itaas ng pilik. Ang paraang ito ay nagpapahintulot na maiwasto ang mahirap ayusing mata dahil sa kakapalan at katabaan nito. Ang taba, kalamnan at himaymay ay sapat na matanggal sa pamamagitan panlabas na paghiwa. Sa pamamagitan nito magkakaroon ng panloob at panlabas na tiklop. Dahil sa ginawang operasyon magkakaroon ng katamtamang pilat pagkatapos. Ang hiwa ay madaling maalis sa loob ng ilang buwan maaari itong ikubli sa pamamagitan ng kosmetikong pampaganda (make-up) habang natutuyo ang hiwa.
    Ang layunin ng operasyon  ay naglalayong maibalik ang kalamnan ng talukap upang magkaroon ng kaaya-ayang tiklop sa itaas na talukap ng mata.

    Pagpapatangos ng Ilong (Rhinoplasty/ Nose Reshaping)
    Ang operasyon ay magsasaayos ng maraming kamalian sa ilong. Ang paghuhugis sa ilong ay makatutulong upang mapaliit, at magkaroon ng tuwid at matangos na ilong. Ang paghuhugis sa ilong ay isang prominenteng bahagi sa iyong mukha na magbibigay sa  iyo ng lakas ng loob at pagmamalaki o pagpapahalaga.
    Ang pagpapatangos ng ilong ay isinasagawa sa bawat isang pasyente upang matamo ang pangangailangan ng pasyente. Kasama sa pagsasaayos ng ilong ang paghuhugis ng dulo nito, pagtutuwid ng dorsum at pag-aangkop sa mabutong parte ng ilong. Ang pamamaraang ito ay isinasagawa bilang bukas na paraan at may napakaliit na makikitang hiwa sa ibaba ng ilong o maaaring maisagawa bilang saradong paraan na ang lahat ng  paghiwa ay nakatago. Mayroong positibong resulta ang parehong paraan.Ang pagpili ay nakabatay sa desisyon ng doctor na makabubuti sa pasyente.

    Paglalagay ng Ilong (Nose Implant)

    Ang pagsasaayos ng ilong ay isinasagawa upang mabago ang hugis at sukat nito na parang natural at naaayon sa kaanyuan ng mukha.
    Ang pagsasaayos ng ilong ay maaring gawin ng may lokal na anestisya. Ito ay sa loob ng humigit kumulang na isa o dalawang oras. Lahat ng paghiwa ay gagawin sa loob ng butas ng ilong. Ang balat ng ilong ay ihihiwalay  mula sa kanyang butong pangsuporta. At ang ginawang ilong ay ilalagay sa loob nito. Ang balat ay ihuhugis ayon sa bagong suporta.
    Makakaramdam ng pagkapal ang iyong mukha sa unang dalawamput apat na oras, ang iyong ilong ay mananakit panandalian at makakaranas din ng sakit ng ulo. Mananatili ka sa iyong kama sa unang araw at kailangan itaas ang iyong ulo upang mabawasan ang pamamaga, malamig na kompres ay gagamitin sa loob ng dalawapung minuto bawat oras sa unang dalawang araw. Lahat ng ginamit tulad ng tahi ay tatanggalin sa ikalawang linggo.

    Operasyon sa Tenga (Ear Surgery)

    Ang operasyon sa tenga (otoplasty) ay karaniwang isinasagawa sa mga bata na may gulang 4-14 upang maisaayos ang tenga o upang mabawasan ang sukat ng malaking tenga. Ito rin ay ginagawa sa mga matatanda.
    Ang operasyon sa tenga ay madali lamang sapagkat maaaari ng lumabas agad  ang pasyente. (out patient)
Pangkalahatang anestisya ang ibinibigay sa mga bata at lokal na anestisaya naman para sa mga matatanda. Ang operasyon ay tumatagal lamang ng 2-3 oras. Maaari ng bumalik sa eskwelahan o normal na gawain sa loob 7-10 araw.

 

 


Before Surgery


After Surgery

 

 

 

Copyright © BCOSS. All Rights Reserved.