Body

    Pag–aalis ng taba (Liposuction)

    Ang pagaalis ng taba ay isang paraan upang magkaroon ng hugis ang katawan at maalis ang mag labis na taba sa mga piling bahagi, tulad ng tiyan, balakang, puwit, hita, tuhod, itaas na balikat, baba, pisngi at leeg.
    Ang mga nararapat na dumaan sa prosesong ito ay may mga karaniwang timbang na may maitgas, nababanat na balat at may lugar ng labis na taba. Kailangang malusog ang pangangatawan at totoo ka sa iyong inaasahan.
    Ang pagaalis ng taba ay maaring gawin sa mga lugar na sentro ng mga pasyenteng maaari ng lumabas pagkatapos o sa ospital.. Kung ang aalising taba ay madami, o kung may iba pang pamamaraang isasagawa bukod ditto ang pasyente ay kailangang manatili sa ospital.  Pangkalahatang anestisya ay karaniwang gianagamit sa pamamaraang ito upang masiguro ang kaligtasan ng pasyente.

     Pagtatangggal ng sobrang balat at taba sa Tiyan (Tummy Tuck)
     Ang tummy tuck ay isang pamamaraang operasyon upang alisin ang sobrang balat at taba mula sa gitna at ibabang bahagi ng tiyan at upang higpitan ng mga kalamnan sa nasabing bahagi. Ito at tinatawag din na “abdominosplasty”
    Ang pinakaangkop sa paraang ito ay ang mga babae o lalaki na may magandang hugis at may malaking deposito ng taba o kaya naman ay yaong may balat sap arte ng sikmura na hindi umaayon sa pagdidiyeta o pageehersisyo. Ang mga babaeng ilang beses ng nabuntis at nabanat ang mga kalamnan at balat sa bahagi ng sikmura ay espesyal na makikinabang sa paraang ito. Ang mga may edad ng pasyente ay makikinabang din.  Ang tummy tucks ay maaring ilang bahagi lamang o kumpleto. Alinmang sa mga pamamaraan ay maaring gamiting mag-isa o kaya’y kombinasyon ng liposuction upang makamit ang resultang iyong inaasahan.
    Ang parsiyal o kumpletong tummy tuck ay maaring isagawa gamit ang pangkalahatang pangimay/ anestisya. Ang huli ay kalimitang tumatagal ng 2 o 5 oras na operasyon samantalang ang parsiyal ay 1 0 2 oras lamang.
    Ang resulta ng tummy tuck ay kalimitang pangmatagalan lalo na kung iniingatan o inaalagaan ang iyong timbang o kinakailangang magehersisyo lagi.

 

 


Before Surgery


After Surgery

 

 

 

Copyright © BCOSS. All Rights Reserved.